uson

Opisina ni Asec Mocha Uson, dahilan ng pagkaantala ng budget nito

Metro Manila

ITINUTURING na cause of delay ng isang kongresista ang opisina ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Dahilan para hindi umusad ang budget deliberation para sa Presidential Communications Operations Office ng Malakanyang.

Sa isang panayam nilinaw ni ACTS Partylist France Castro na matagal nang inimbitahan si Uson na dumalo sa pagdinig ng Kamara.

Para depensahan ang hinihinging pondo nito sa Kongreso para sa taong 2019.

Ayon kay Castro, maraming dapat na ipaliwanag si Uson kung bakit hindi bawasan o kwestiyunin ang budget ng opisina ng PCOO.

Dahil sa kontrobersiyal na Ipederalismo info campaign nito na nagviral sa social media.

Paglilinaw ni Congresswoman Castro, hindi nito pinag-iinitan si Uson kundi kailangan lang nitong makausap ang opisya.

Sa tingin aniya ay hindi masasagot  ito ng mismong kalihim ng ahensiya na si Sec. Martin Andanar.

Ipina-defer ng Castro ang budget ng opisina para siguruhing hindi masayang ang pondo ng gobyerno.

At mapunta sa makabuluhang proyekto o programa.

Sa isang social media vlog, sabay na nakiusap si Uson kay Castro na huwag idamay ang kaniyang opisina sa budget ng PCOO.

Inaasahang bukas ay didesisyunan ng buong Kamara kung tuluyan na bang ikokonsidera ang pagpapatuloy sa deliberasyon ng budget ng Communications Department ng Palasyo.

DWSI864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *