aquino

Problema sa teacher’s loan, pinatutugunan ni Sen. Aquino

National News

NANAWAGAN si Sen. Bam Aquino sa Department of Education (DepEd) at Government Service Insurance System (GSIS).

Sinabi ni Aquino na tugunan ng naturang mga ahensya ang lumala­lang problema ng loans ng mga guro sa bansa.

Ayon kay Aquino, kasama din ang mga guro sa maraming Pilipino na biktima ng inflation rate o taas-presyo.

Ito ang pahayag ni Aquino kasabay ng papalapit na World Teacher’s Day sa Oktubre 5.

Binigyang diin ni Aquino na dapat pakinggan ang hinaing ng mga guro.

Panahon na aniya para ipakita ng gobiyerno ni Pangulong Duterte sa mga guro na handang tumulong ang pamahalaan.

 

DWSI864

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *