undefeated

Talk n’ text, nanatiling undefeated sa tatlong laro

Sports

NANATILI ngang undefeated ang koponan ng Talk n’ Text matapos ang naging ikatlong sunod na laban nito.

Kasunod ito sa nagpapatuloy na PBA 2018 Governor’s Cup.

Nasungkit ng Katropa ang kanilang ikatlong sunod na panalo laban sa Northport Batang Pier nitong Linggo.

Nagtapos ang laro sa score na 104-102.

 Pinangunahan ng TNT guard na si Terrence Romeo ang laro na nagpaulan ng back-to-back na Tres, 3 minuto nalang bago matapos ang rally game.

Sa kabubuan ay nakapagtala si Romeo ng 25 points.

 Nakapag-ambag din ng 23 points ang import na si Marcus Blakely.

Tinapos niya ang mainit na tapatan ng Katropa at Batang Pier sa 2 lay-up shot.

 Hard work at kailangan ma-sustain lang ang energy sa buong laro para maging tagumpay.

Ipinahayag ito ng head coach ng TNT na si Bong Ravena.

Dagdag pa nito na wala naman talaga silang sikreto at pinatili lang talaga nila ang defense hanggang matapos ang laro.

“Wala namang sikreto, working hard lang. Importante yung energy ng team na-sustain namin all throughout the game,” aniya

“Ang inemphasize namin is defense, as much as possible all game long dapat steady yung defense,” paliwanag ni Ravena.

 Samantala, nanatili namang winless ang Northport Batang Pier na may 0-6 mark standing.

 DWSI864

JAO GREGORIO

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *