LizQuen

Cherie Gil, nagbigay komento sa isang picture ng LizQuen

Showbiz

NAKA ani ng papuri ang loveteam na LizQuen kamakailan lamang sa naganap na ABS-CBN ball.

Hindi naman napigilan ni veteran actress Cherie Gil na magbigay ng positive criticism sa dalawa.

Sa kabila ito ng mga positive feedback na nakuha nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa nasabing photo na ipinost ni Liza via Instagram ay makikitang siya ay nakaupo sa sahig.

Habang si Enrique naman ay nakaupo sa isang silya.

Sinabi ni Cherie na maganda ang photo nilang dalawa.

Ngunit aniya ay mas gaganda ito kung ang nakaupo sa sahig ay si Enrique at si Liza naman ang nasa upuan.

Nakakuha naman ng backlash si Cherie mula sa fans ng dalawa.

Ngunit ang tanging sagot lamang niya ay walang mali sa pagsi-share ng kaniyang opinyon.

Ulat ni Saf Arellano

DWSI 864

SMNI News

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *