nakabaong landmines

Nokor at Sokor, tinanggal ang mga nakabaong landmines sa border

International News

SINIMULAN ng hukayin ng North at South Korea ang mga nakabaong landmines sa Joint Security Area.

Matapos ang matagumpay na Inter-Korean Summit ng dalawang bansa noong Setyembre.

Ang Joint Security Area o JSA ay ang border na naghihiwalay sa North at South Korea.

Ayon sa isang opisyal ay nasa mahigit 800,000 landmines ang kinakailangang hukayin sa nasabing border.

Inaasahang matatapos ang paghuhukay sa loob ng dalawampung araw ayon sa South Korean Defence Ministry.

Matapos ang paghuhukay, sunod na tatanggalin ang mga istasyon ng sundalo at mga armas nito sa magkabilang panig.

Layunin ng dalawang bansa na mas mabawasan pa ang tensyon sa nasabing border.

Libo-libong sundalo ang magkaharap na nagbabantay sa magkabilang panig ng border.

Kaya naman imposible ang makatawid sa alinmang bahagi nito ng walang pahintulot.

Unti-unti nang bumuti ang relasyon ng dalawang bansa matapos ang matagumpay na Inter-Korean Summit

Samantala, unti-unti nang bumuti ang relasyon ng dalawang bansa matapos ang matagumpay na Inter-Korean Summit sa Pyongyang.

Maaalalang isinagawa ang Trump-Kim Summit noong Hunyo 2018 kung saan pinag-usapan ang pagpapatupad ng denuclearisation sa Nokor.

Sinundan naman ito ng matagumpay na Inter-Korean Summit sa pagitan ni Kim Jung Un at Moon Jae-In noong Setyembre 2018.

Ulat ni Trisha Molina

DWSI 864

SMNI News

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *