patay

Sudipen, La Union Mayor Boquing, patay matapos tambangan

Regional

PATAY si Sudipen, La Union Mayor Alexander Boquing matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin, kagabi.

Naisugod pa sa Tagudin District Hospital sa Ilocos Sur ang alkalde, subalit binawian din ito ng buhay.

Bukod sa alkalde, patay din sa ambush ang police escort nito na si PO2 Rolando Juanbe.

Kasama rin sa nasawi ang driver ni Boquing na si Boni Depdepen.

Sugatan naman sa ambush ang maybahay ng alkalde na si Vice Mayor Wendy Joy Buquing.

Kasalukuyang nagpapagaling ang bise mayor sa Lorma Hospital.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at inaalam ang motibo sa pananambang.

Ikinasa din ang pursuit operation laban sa mga suspek.

Isang Special Investigation Task Group ang binuo ng PNP na tututok sa imbestigasyon sa krimen.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, magsasagawa ng masusing imbestigasyon ang nasabing task group sa motibo ng pagpatay sa alkalde.

DWSI 864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *