PINABIBILISAN

Batas na lulutas sa problema sa oil products, pinabibilisan

National News

PINABIBILISAN ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate sa liderato ng kamara ang pagpasa sa tatlong panukalang batas.

Ang mga naturang batas ay lulutas sa problema sa mataas na presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Sinabi ni Zarate na pending ngayon sa committee level sa Kamara ang tatlong panukalang batas.

Kabilang dito ang House Bill 1760 o ang pagbili ng gobiyerno sa petron.

Kabilang ang House Bill 3676 o ang pagbabalik ng government regulation sa oil industry.

Gayundin ang House Bill 3678 na layong ma-centralized procurement ng langis.

Sinabi ni Zarate na napapanahon na para ibalik sa gobiyerno ang pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga oil products.

Iginiit ng mambabatas na malaki ang epekto sa ekonomiya ang patuloy na pagtaas sa presyo ng langis.

Kabilang ang pagtaas din ng krudo sa pandaigdigang merkado sa inflation rate sa bansa.

DWSI 864 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *