Hollywood stars

Hollywood stars Rihanna, Lebron James, Matt Damon atbp., nanakawan

Showbiz

INARESTO ang apat na suspek sa kasong theft matapos di umano nilang nakawan ang bahay ng ilang mga Hollywood stars.

Kabilang na sina singer Rihanna, baseball star Yasiel Puig, basketball star Lebron James at actors Matt Damon at Viola Davis.

Sa nasabing mga suspect, tatlo rito ay teenagers, ang dalawa ay nasa 19 year olds, ang isa ay 18 year old.

Kabilang na rin sa magnanakaw ang kanilang ina.

Ayon sa Los Angeles Police Department, sila ay naging aware sa sunod sunod na insidente ng nakawan.

Target ng mga ito ang residential homes ng mga aktor, producers, musicians at ilang professional athletes na nakatira na Los Angeles area.

Dagdag pa ng LAPD, ang mga nabiktima ay nagiging target sa pamamagitan ng pagpo-post nila sa social media sites

Kabilang sa kanilang ipino-post upang maging target ay ang kanilang travel tours at schedules.

Ulat ni Sam Guttierez

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *