Joint energy exploration

Joint energy exploration ng CHINA at Pilipinas sa WPS, nais malagdaan

National News

ISINUSULONG ng Malakanyang na malagdaan ang joint energy exploration sa pagitan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea.

Sa inaasahan itong pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping sa susunod na buwan.

Ito ang nakikitang solusyon ng gobiyerno sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Sinabi ito ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon kay Roque, kinakailangang isulong ang joint exploration at isantabi na lang ang hidwaan.

Sakop ang Recto Bank o Reed Bank na potential area ng joint exploration ng China at Pilipinas.

Ayon ito sa nakasaad sa kasunduan ang Service Contract 72.

DWSI 864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *