Norway

Pinakamalaking underwater restaurant sa mundo, nasa Norway

International News

ISANG underwater restaurant na pinaniniwalaang pinakamalaki sa buong mundo ang nalalapit nang makompleto sa Norway.

Ang restaurant ay nakalubog ng 16 feet sa tubig kung saan kayang magkasya ang 100 katao.

Pinangalanan itong under na may malawak na panoramic view ng ilalim ng dagat na aabot sa 36 na talampakan.

Maingat din na pinag-aralan ang istruktura upang malabanan ang matinding hangin at alon mula sa dagat.

Ang under ay ang pinakaunang underwater restaurant sa Europe na inaasahang matatapos sa Abril ng 2019.

Ulat ni Trisha Molina

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *