Search and retrieval

Search and retrieval operations sa Naga City, ititigil na

National News

ITITIGIL na ngayon ang search and retrieval operations sa mga indibidwal na natabunan ng gumuhong lupa sa Naga City, Cebu.

Hanggang ngayong araw na lamang ang paghuhukay sa iba pang mga bangkay.

Ayon ito kay Concepcion Ornopia, Regional Director ng Office of Civil Defense (OCD) 7.

Sa tala ng OCD-7, umaabot na sa 72 ang bilang ng nahukay na bangkay sa barangay Tina-An at Naalad.

Habang sampu pa ang nanatiling nawawala.

Sinabi ni Ornopia na masyadong delikado na sa buhay at kalusugan ng mga rescuers ang maghukay pa.

Dahil malambot na ang lupa at masangsang na ang amoy sa lugar dulot ng mga nabubulok na bangkay.

Inihinto na rin ang search and retrieval operations sa Itogon, Benguet

Samantala, inihinto na rin ang search and retrieval operations sa Barangay Ucab, Itogon Benguet.

Sa huling tala ng PDRRMC, umabot sa 91 ang bilang ng narekober sa landslide sa kasagsagan ng Bagyong Ompong.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *