halaga

Mahigit P15-M halaga ng iligal na droga nasabat sa NAIA

National News

UMABOT sa P15M halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Bureau of Customs mula sa isang warehouse sa loob ng NAIA.

Nakumpiska ng ahensiya ang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P14M at ilang party drugs na nagkakahalaga ng P1.5M.

Ayon ito kay Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Natagpuan naman ang shabu sa loob ng isang foot massager galing Thailand.

Samantala, nadiskubre naman ang party drugs sa loob ng pakete na naglalaman ng mga damit at laruan galing Pakistan.

Naiturn-over na ang mga iligal na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nasabat ang mga ito sa dalawang warehouses sa loob ng paliparan.

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *