unconstitutional

Pagdiskwalipika sa mga kandidatong kasama sa drugs list tinawag na unconstitutional

National News

TINAWAG na unconstitutional ng isang election expert ang panukala ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kungsaan ay diniskwalipika ang mga kandidato sa eleksyon na kasama sa drug lists.

Giit ni Attorney Romulo Macalintal, labag sa Saligang Batas ang balak ng DILG.

Dagdag ni Macalintal, maliwanag sa Omnibus Election Code na maari lamang magdiskwalipika kung may final judgement na ang Korte Suprema.

Hinggil ito sa diskwalipikasyon ng mga kandidato.

Ganito rin aniya sa mga kandidatong inakusahan ng korapsyon.

Bagaman may inilabas na ang Office of the Ombudsman ng ruling na nagdiskwalipika sa kanila sa public office.

nang sinabi ni DILG Officer-in-Charge Eduardo Año na mahigit 90 local officials ang kasama sa drug list ng PDEA.

Kabilang na rin ditto ang 58 alkalde.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *