Bangabandhu Gold Cup

Team Azkals, aabante na sa semis sa nagpapatuloy Bangabandhu Gold Cup

Sports

AABANTE na sa semifinals round ang National Football Team ng Pilipinas Azkals sa nagpapatuloy na Bangabandhu Gold Cup sa Bangladesh.

Ito ay pagkaraang nasungkit ng Azkals ang unang panalo kontra Laos nitong Miyerkules na nagtapos sa victory score na 3-1.

Pinangunahan naman nina Jovin Bedic, Misagh Bahadoran at Javier Gayoso ang pag-set ng goal para sa Azkals.

Samantala, nakatakda namang harapin ng Team Philippines ang host ng torneyo at parte ng Group B.

Haharapin ng Pilipinas ang Bangladesh ngayong Huwebes na gaganapin pa din sa Sylhet Zila Stadium.

Ang paglahok ng National Team Azkals sa nasabing cup ay parte padin paghahanda nila sa nalalapit na 2018 AFF Suzuki Cup.

Gaganapin ang naturang torneo ngayong Nobyembre sa AFC Asian Cup UAE 2019.

Ulat ni Jao Gregorio

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *