Army General Rolando Bautista

Oposisyon, kontra sa pag-upo ni Army General Rolando Bautista sa DSWD

National News

KONTRA ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao ang nakatakdang appointment ni Army General Rolando Bautista bilang susunod na kalihim ng DSWD.

Duda si Casilao sa kakayanan at orientation sa trabaho ni Bautista dahil galing ito sa Armed Forces.

Ani Casilao, “Trained to kill, not trained to care.” ang army chief.

Aniya, hindi akma sa personalidad ng isang DSWD secretary na dapat ay may malasakit sa mga mahihirap.

Nangangamba din ang progresibong mambabatas na baka gamitin laban sa mga nasa laylayan ng lipunan ang DSWD.

Kapag si Bautista na ang umupo lalo na sa panahon ng kalamidad at sakuna sa bansa.

Si Bautista ay miyembro ng PMA Class 85 na nakatakdang magretiro sa serbisyo ngayong Oktubre 15.

Si Bautista ang binanggit ni Pangulong Duterte na uupo bilang susunod na DSWD secretary.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *