Rescue dogs, tumutulong sa search operations ng mga biktima sa Indonesia

International News

KATULONG ng Indonesian rescue teams ang ilang rescue dogs sa paghahanap ng mga Earthquake survivors.

Sinanay ang mga ito para maghanap ng mga posibleng survivors sa ilalim ng mga guho.

Ang pagtahol ng maraming beses at masiglang paggalaw ng buntot ay senyales na may buhay na biktima sa paligid.

Habang ang pagsinghot at konting pagtahol ay senyales na maaaring may naaamoy itong bangkay sa lugar.

Maaalalang noong nakaraang Biyernes ay tinamaan ng 7.5 magnitude earthquake at tsunami ang Indonesia na ikinasawi ng nasa 1,400 katao.

Ulat ni Trisha Molina

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *