Nikki Haley

Nikki Haley, nagbitiw bilang US Ambassador sa United Nations

International News

TULUYAN ng inanunsiyo ni Nikki Haley ang kanyang pagbibitiw bilang United States Ambassador ng United Nations.

Tinanggap naman ni Pres. Donald Trump ang pagbibitiw ni Haley na mananatiling UN ambassador ng U.S. hanggang matapos ang taon.

Ayon kay Trump, bagama’t may potensyal ang anak na si Ivanka ay di niya ito pipiliin para pumalit kay Haley.

Dahil nais niyang umiwas sa isyu ng nepotismo o pagiging bias.

Bagama’t hindi palaging sang-ayon sa kanyang desisyon si Haley ay tinawag pa rin itong espesyal sa administrasyon ng presidente.

Si Haley ay pitong taong nagsilbi bilang gobernador ng South Carolina bago hinirang na maging UN Ambassador ng U.S. sa loob ng dalawang taon.

 Ilan sa mga nagawa ni Haley bilang U.N. Ambassador ng ay ang pagpataw ng U.S. sanction sa North Korea.

Kabilang din ang paglipat ng U.S. Embassy sa Jerusalem mula Israel, pagkalas ng Amerika sa Iran Nuclear Deal.

Maging ang tamang pagbibigay ng kontribusyon ng mga NATO members.

 Samantala, iaanunsiyo ang kanyang magiging kapalit mga 2-3 linggo mula ngayon.

 

TRISHA MOLINA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *