Certificate of Candidacy

Paghahain ng Certificate of Candidacy, simula na bukas

National News

SIMULA bukas Oktubre 11 ay tatanggap na ng Certificate of Candidacy o COC ang lahat ng tanggapan ng Commission on Elections o Comelec.

Para ito sa nakatakdang 2019 midterm elections.

Lilimitahan nila sa bilang ng mga taong makakapasok sa Palasyo del Gobernador para sa pagfile ng COC.

Ipinahayag ito ni Comelec Spokespeson James Jiminez.

Ayaw aniyang maging circus o magulo ang filing ng COC dahil sa dalang mga supporters ng mga kandidato.

Ani Jimenez, para sa mga tatakbo sa senado ay hanggang apat lamang ang maaring isama sa filing sa 3rdfloor.

Habang hanggang sampu lamang para sa mga tatakbo sa partylist na magsusumite ng kanilang COC sa 8th floor.

Bibigyan rin aniya ng pwesto ang mga taga-media kung saan maaring mainterview ang mga kakandidato.

 Ang filing ng COC ay mag-uumpisa bukas ng alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Tatagal naman ang filing ng COC hanggang sa Oktubre 17.

 

DWSI864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *