PNP

PNP, magri-reshuffle para sa a 2019 midterm elections

National News

IKINAKASA na ng Philippine National Police o PNP ang balasahan sa kanilang hanay bilang paghahanda sa 2019 midterm elections.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, nakatakda silang magpulong para malaman kung sino ang isasama sa reshuffle.

Partikular aniya sa aalisin ang mga kumander na may tumatakbong kamag-anak sa kanilang lugar.

Sinabi rin ni Albayalde na sakaling tumakbo sa eleksyon ang isang pulis ay dapat itong magbitiw sa tungkulin.

Sa Oktubre 11 ang opisyal na pagsisimula ng paghahain ng Certificate of Candidacy.

 

DWSI864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *