Universal Health Care Bill

Universal Health Care Bill, lusot sa Senado

Health National News

LUSOT na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Universal Health Care Bill sa botong 14-0.

Sa naturang batas, titiyakin nito ang pagkakaroon ng quality at abot-kayang health service sa lahat ng Pinoy.

Otomatiko ring sasaklawin ng batas ang lahat ng Pinoy sa National Health Insurance Program.

Kahit pa ito man ay direct o indirect contributor.

Sa ilalim rin ng panukalang batas, lalawak ang sakop ng Philhealth coverage.

Kabilang ang consultation fees, laboratory tests at sa iba pang diagnostic services.

Pwede ring mag-avail ang sinuman ng primary health care services kahit walang Philhealth identification cards.

DWSI864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *