BATID ng 88% o mayorya ng mga Pilipino ang naniniwala na may fake news sa social media.
Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Kung saan ikinukunsidera rin ng karamihan ng mga Pinoy na “hotbed” ng fake news ang social media.
Mula sa 88% na nagsabing alam nila ang fake news ay 78% ang naniniwalang laganap na ito sa social media.
Nasa 12% naman ang undecided habang 9% ang tutol dito.
Nasa 12% naman ng mga kababayan ang walang kaalaman sa fake news.
Lumabas din sa survey na 51% ng mga Pinoy ang nagsabing pinalitan nila ang kanilang pananaw sa politika.
Batay sa kung anong nakikita nila sa social media.
Isinagawa ng survey sa 1800 adult respondents sa buong bansa noong Setyembre 1 hanggang 7.