joint military exercise

DFA, kukunsultahin para sa joint military exercise sa Amerika

National News

KUKUNSULTAHIN ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa timing ng joint military exercise sa Amerika.

Kasunod ito ng pagkabahala ng China sa posibleng “Show of force” ng US sa West Philippine Sea.

Kapag dumating sa bansa sa Nobyembre si Chinese President Xi Jinping.

Sinabi ni Lorenzana na magkakaroon sila ng dayalogo ng DFA.

Para malaman kung ano ang mainam na gawin sa kasagsagan ng state visit ni Xi.

Una namang nilinaw ni Philippine Navy Spokesperson Commander Jonathan Zata na walang nakatakdang military exercise sa kanilang hanay sa US counterparts.

At aniya ay wala rin silang kinanselang joint drills.

 

DWSI864   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *