Makati RTC Branch 150

Trillanes, pinababasura ang desisyon ng Makati RTC Branch 150

Metro Manila Metro News

NAGHAIN ng apela ang kampo ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Makati RTC Branch 150.

Ayon sa apela, bawiin o ibasura ang naunang desisyon ng korte laban sa senador.

Magugunitang naglabas ng arrest warrant at Hold Departure Order si Judge Elmo Alameda laban kay Trillanes.

Matapos nitong paboran ang mosyon ng Department of Justice.

Sa apela ng kampo ng senador, hiniling nito sa korte na muling magsagawa ng pagdinig.

Kaugnay sa muling pagbuhay sa kaso nitong rebelyon sa Manila Peninsula siege noong 2007.

Kaugnay nito, itinakda naman ng korte ang pagdinig sa mosyon ng senador sa Oktubre 12 sa susunod na linggo.

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *