Duterte

Duterte, nakabalik na sa bansa mula Indonesia

National News

NAKABALIK na sa bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Mula ito sa pagdalo ng pangulo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) leaders’ gathering sa Bali, Indonesia.

Kaninang madaling araw ng lumapag ang sinakyang eroplano ng pangulo sa Davao International Airport.

Sa kaniyang talumpati, ipinagmalaki ng pangulo ang matagumpay niyang pakikipagpulong kina World Bank President Jim Yong Kim.

Kabilang nina International Monetary Fund Managing Director Christine Lagarde at United Nations Secretary General Antonio Guterres.

Ayon kay Duterte, tiniyak niya kay Indonesia President Joko Widodo ang pagiging matatag na kaalyado ng kanilang bansa.

Patunay aniya dito ang pagbibigay ng tulong ng Pilipinas sa mga nabiktima ng lindol at tsunami sa Indonesia.

DWSI864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *