excise tax

Pamahalaan, bukas sa pagpapasuspende ng excise tax

Business National News

BUKAS ang Duterte Administration sa pagsususpende ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa ilalim ng Train Act.

Ito ay inihayag ni Special Assistant to the President Sec. Bong Go kasunod ng paghahain ng joint resolution sa Senado.

Para ipanawagan ang pagpapatigil sa ikalawang tranche ng excise tax sa 2019.

Ayon kay Go, ikinukunsidera ng pamahalaan ang naturang pagpapasuspende sa excise tax.

Kaugnay nito, may nakapaloob naman aniya na probisyon sa Train Act sa pagsususpende ng buwis sa mga produktong petrolyo.

“Open naman kami dito, pero ikonsidera rin natin kung ano ang nasa Train Law,” ani Go.

“According to SOF Dominguez, may provision naman sa Train Law na nagsasabi na kung ang Dubai index selling price of oil ay umabot sa at least US$80 per barrel on the average of 3 consecutive months, pwedeng magdecide ang gobyerno na i-suspend ang excise tax.”

Sa ngayon, nanatili aniyang nakabantay sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa paggalaw ng presyo ng langis sa susunod na tatlong buwan.

Sakaling umabot sa US$80 per barrel ang presyo nito ay ikokonsidera ng gobyerno ang pagsuspend ng excise tax.

“Noong September, and Dubai price ay US$77 per barrel,” ani Go.

“Kung sakaling tumaas pa ito in the next 3 months ng more than US$80 per barrel, kinokonsidera ng gobyerno ang pagsuspend ng excise tax increase come January 2019.”

Kaugnay nito, itinuturing ni Sen. Bam Aquino na tagumpay para sa bawat pamilyang Pilipino ang pagkukunsidera ng pamahalaan.

Kaugnay sa alisin na ang excise tax sa mga oil products sa Enero 2019.

“Panalo ang pamilyang Pilipino sa pagsuspende ng dagdag buwis sa gasolina, diesel at iba pang produktong petrolyo sa Enero.”

Si Aquino ang isa sa mga naghain ng resolusyon sa Senado.

Ito ay para sa nakaambang higit P2 excise tax sa langis sa susunod na buwan sa ilalim ng Train 1.

DWSI864

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *