MMDA

Kolorum na drivers at operators, isumbong – MMDA

Metro Manila National News

NANAWAGAN ang MMDA sa mga mall owners at operators.

Na isumbong ng mga ito sa kanilang tanggapan ang mga kolorum na drivers at operators.

Kung ang mga ito ay nagsasakay ng mga pasahero gamit ang kanilang terminal.

Ito ayon kay MMDA spokesperson at Assistant Secretary Celine Pialago.

Matapos makatanggap sila ng ulat na ginagawang terminal ng mga kolorum ang parking area ng mga shopping mall  tuwing kapaskuhan.

Sinabi ni Pialago na ang mga mahuhuling bus na iligal na bumibyahe ay may multang isang milyong piso.

Dalawang daang libo sa truck, habang 120,000 pesos sa vans at 50,000 para sa jeep.

Dagdag pa ng MMDA, delikado para sa mga pasahero ang pagsakay sa mga kolorum na behikulo.

Dahil hindi ito sakop ng insurance sakaling masangkot sa aksidente.

DWSI864

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *