pangunahing bilihin

Presyo ng ilang mga pangunahing bilihin, bumaba

Metro Manila

BUMABA ang presyo ng ilang pangunahing bilihin sa piling pamilihan sa Metro Manila.

Nasa P400 na lamang ang presyo ng kada kilo ng siling labuyo, mula P800 sa ilang palengke sa Kalakhang Maynila.

Mabibili na ng P80 ang presyo ang kada kilo ng repolyo at carrots na dating P120.

Sampung piso naman ang ibinaba ng presyo ng iba pang gulay gaya ng patatas at sibuyas.

Nabawasan din ng piso hanggang dalawang piso ang presyo ng kada kilo ng commercial rice.

Bumaba ng bente pesos ang kada kilo ng galunggong na mabibili na ngayon ng 160 pesos kada kilo, mula 180 pesos.

DWSI864

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *