SRP sa bigas

SRP sa bigas, isasapinal na ng Department of Agriculture

National News

ISASAPINAL na ng Department of Agriculture ang pagkakaroon ng suggested retail price o SRP sa bigas.

Sinabi ni Agriculture Sec.Manny Piñol na magpupupulong sila kasama ang mga magsasaka at rice retailers.

Gaganapin ito sa Huwebes, Oktubre 18  upang isapinal ang SRP sa bigas.

Ayon kay Sec. Piñol, under validation pa ang nauna nang nailabas na SRP.

At maaaring maisapinal sa Huwebes ang eksaktong presyo ng bigas.

Umaasa si Piñol na magiging matatag na ang presyo ng bigas sa merkado.

Dahil nagsasabay-sabay na ang pagdating ng mga inangkat na bigas na sinabayan pa ng harvest season.

DWSI864

DZAR1026

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *