Komunista

Komunista ang dapat sisihin sa nabigong usaping pangkapayapaan

National News

IGINIIT ng militar na ang mga komunista ang dapat sisihin sa nabigong peace negotiations.

Sa pagitan ito ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, itinigil ang pag-uusap dahil sa kawalan ng sinseridad.

Maging ang katapatan ng New People’s Army (NPA) na armed wing ng CPP.

Sinabi ni Arevalo na sa kasagsagan ng tigil-putukan noon ay ipinagpatuloy pa rin ng mga rebelde ang kanilang pangingikil.

Kabilang ang paninilab ng mga heavy equipment ng pamahalaan at pagre-recruit ng bagong miyembro.

Tinukoy din nito ang umano’y pagiging bahagi ng mga komunista para pabagsakin ang Administrasyong Duterte.

Dagdag ni Arevalo, binuo ang nasabing plano habang nakikipag-usap ang government negotiating panel kay CPP founder Jose Maria Sison.

At sa iba pang lider ng komunistang grupo sa Norway.

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *