managot

Lapeña, maaaring managot sa P6.4B shabu sa Cavite

National News

DAPAT lamang managot si Customs Commissioner Isidro Lapeña sakaling mapatunayang nakalusot ang apat na magnetic lifters.

Naglalaman ito ng umano’y P6.4B halaga ng shabu na nadiskubre sa Cavite.

Bilang lider ng BOC ay si Lapeña ang may responsibilidad para maharang ang mga kontrabando na nais na maipasok sa bansa.

Ayon ito kay PDEA Director Aaron Aquino.

Pero maaga pa aniya para rito dahil nagsasagawa pa ng sariling imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa insidente.

Nagkasundo rin sina Aquino at Lapeña na magtulungan sa kampanya kontra iligal na droga.

Una nang sinabi ni Lapeña sa pagdinig ng Kamara na negatibo sa iligal na droga ang mga magnetic lifter pero kinontra ito ng PDEA.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *