U.S

Saudi, nag-abot ng $100m sa U.S. sa kabila ng isyu ng nawawalang journalist

International News

BUMIYAHE papuntang Riyadh, Saudi Arabia si U.S Secretary of State Mike Pompeo.

Para kausapin si Prince Mohammed Bin Salman tungkol sa pagkawala ng Saudi journalist na si Jamal Khashoggi sa Turkey.

Sa kaparehong araw ay nakatanggap ng $100M o mahigit limang bilyong piso ang account ng Amerika mula sa Saudi.

Kinuwestyon ito ng ilang opisyal ng gobyerno at ng publiko.

Sinabing mistulang kabayaran ang nasabing halaga para itigil ng Amerika ang imbestigasyon sa Saudi tungkol sa nawawalang journalist.

Itinanggi naman ng State Dept. at sinabing ang pondo ay tulong umano ng Saudi sa destabilization efforts ng Amerika sa Syria.

Ang nasabing tulong ay naipangako na rin umano ng Saudi sa Amerika bago pa man pumutok ang isyu.

Maaalalang nawala si Kashoggi noong Oktubre 2.

Matapos itong pumasok sa saudi consulate sa Turkey para kumuha ng papel sa nalalapit nitong kasal.

Kilalang kritiko ng royal family ng Saudi ang journalist na nag self-exile sa Amerika.

Kung kaya’t hinihinalang may kinalaman ang Saudi sa pagkawala nito.

Ayon sa isang source na malapit kay Pompeo, hindi dapat bigyan ng kahulugan ang nakangiting litrato ni Pompeo at ng prinsipe sa Riyadh.

Ang totoo, ay sinabihan umano ni Pompeo ang prinsipe na dapat panindigan nito ang .

At ipagpapatuloy ng U.S. ang kanilang imbestigasyon.

Sa ngayon ay maganda ang financial ties ng Saudi at Amerika.

Una na ring sinabi ni Pres. Trump na inosente ang Saudi hangga’t di pa napapatunayan ang mga alegasyon tungkol dito.

Ulat ni Trisha Molina

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *