tumaas

Average inflation rate sa bansa sa 3rd qtr ng 2018, tumaas

National News

TUMAAS ang inflation rate ng bansa sa ikatlong quarter ng taon.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, pumalo sa 6.2 ang inflation rate average sa nakalipas na tatlong buwan.

Mas mataas ito kung ihahambing sa 4.8% na inflation rate ng ikalawang kwarter ng taon.

Kung susumahin mula Enero hanggang sa kasalukuan ay nasa 5% inflation rate sa bansa sa kasalukuyan.

Ang inflation rate ay ang presyo ng pangkaraniwang serbisyo at produkto ng mga konsyumer sa bansa.

Dagdag pa ng datos ng BSP, pumalo sa 8.2% ang food inflation.

Habang nasa 4.1% naman sa non-food inflation sa 3rd quarter ngayong taon.

Ilan sa mga tinukoy na dahilan ng BSP sa mataas na inflation ay ang supply-side pressures, sama ng panahon.

Gayundin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ng langis sa pandaigdigang merkado.

Naitala noong Setyembre ang ika-siyam na sunod na buwan ng mataas na consumer prices.

Kung saan bumilis sa 6.7% ang inflation, mula 6.4% noong Agosto.

Naniniwala naman ang BSP na ang mahigpit na monetary policy at ang pagdadagdag sa suplay ng mga pangunahing bilihin ay makakatulong.

Upang mapababa ang inflation sa mga susunod na buwan.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *