Lakers

Lebron James, sinimulan ang kampanya sa L.A. Lakers

Sports

NAGPASIKLAB naman agad si The King Lebron James sa kaniyang debut campaign sa NBA sa bago nitong koponan na Los Angeles Lakers.

Hindi pinalad ang purple-yellow team na maipanalo ang una nilang laban kontra Portland Trailblazers.

Ngunit sinigurado naman nilang nagbigay sila ng dikit na tunggalian.

Nagtapos ang mainit na harapan ng Los Angeles Lakers at Portland Trailblazers sa victory score na 128-119 pabor sa Trailblazers. 

Nagpakitang gilas naman agad ang bagong trade na si Lebron James na nakapagtala ng 26 points, 12 boards, 6 assists at one steal.

Tumulong naman si Damian Lillard na maipanalo ng Trailblazers ang kanilang opener game.

Nakapag-ambag siya ng 28 points, six rebounds, four assists, one steal at one block.

Habang nakapagbigay naman si CJ McCollum ng 21 points, five boards, at one assist.  

Makokonsidera namang isang magandang ‘setting of mood’ para sa Lakers ang naging laban nila.

Naniniwala ang koponan na aayos pa ang lahat sa mga susunod na araw.

Ulat ni Jao Gregorio

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *