US-Mexico border

Trump, nagbabalang ipapasara ang US-Mexico border

International News

SA Amerika, nagbabala si U.S. Pres. Donald Trump na ipapasara ang US-Mexico border laban sa mahigit 3,000 illegal immigrants.

Ang mga naturang imigrante ay mula sa El Salvador, Honduras, at Guatemala.

Aniya, puputulin din niya ang ibinibigay na suporta mula sa mga nasabing bansa sa Central America.  

Maliban sa paggamit ng U.S. military. 

Ayon sa mga imigrante ay karahasan at kahirapan sa kani-kanilang mga bansa ang dahilan kung bakit iligal silang pumapasok sa U.S.  

Nabahala naman ang mexico at mga legal migrants na baka pati sila ay maapektuhan kapag tuluyang ipasara ang nasabing border.

Ngayong Biyernes ay makikipagpulong si US Secretary of State Mike Pompeo sa Mexico kaugnay sa naturang usapin.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *