“parties”

“Parties” sa Boracay, papayagan pa rin

National News

PINAPAYAGAN pa rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagsasagawa ng mga “parties”

Ito ay sa mga piling lugar sa Isla ng Boracay.

Ayon ito kay DENR Undersecretary Benny Antiporda kabilang ang mga hotel at club sa isla.

Sinabi ni Antiporda na ipinagbabawal lamang ng inter-agency task force ang pagsasagawa ng party sa mismong beachfront at swimming area.

Bukod dito, tiniyak ni Antiporda na walang dapat na makitang mga istraktura sa baybayin.

Ikinokonsidera din ng DENR na gawing “party place” ang Bolabog Beach o Bolabog Boulevard sa Boracay.

Matatandaan na sa Bolabog Beach nakita ang malaking tubo.

Ito ay direktang naglalabas ng dumi sa dagat mula sa mga hotel at resorts.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *