populasyon

Populasyon ng mundo, posibleng madagdagan pa

International News

POSIBLENG madagdagan pa ng 2.2-bilyon ang populasyon ng buong mundo pagsapit ng taong 2050.

Ito ay batay sa pag-aaral ng United Nations Population Fund (UNFPA) na “The State of World Population 2018.”

Ayon sa UNFPA, sa ngayon ay tinatayang nasa 7.6-bilyon ang bilang ng mga tao sa planeta.

Sa report ng UNFPA, dahil sa “continued high fertility” sa Sub-Saharan Africa ay mag-aambag ito ng kalahati.

Tinatayang nasa 1.3-bilyon ang iaambag ng nasabing rehiyon sa paglobo ng populasyon sa mundo sa taong 2050.

Base sa pag-aaral ng UNFPA, ang pagtaas ng bilang ng mga mas batang populasyon ay makakaapekto sa kalidad ng edukasyon.

Maging ang kalusugan ng mga mamamayan sa bawat bansa.

Sa pahayag ng UNFPA, ang Pilipinas ang ikalawang pinakamalaking bansa sa 10-Member States ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

At may pinakamataas na total fertility rate sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya.

Sa tala ng UNFPA, kalahati ng mga Pinoy ngayon ay may edad bente kuwatro pababa.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *