Las Piñas-Parañaque Wetland Park

Sen. Villar pinangunahan ang clean-up drive sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park

National News

PINANGUNAHAN ni Senador Cynthia Villar ang isang tree planting activity at clean-up drive sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park kamakailan.

Kasama sa nasabing aktibidad ang daan-daang mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources Association of Career Executives, Conservation and Development Division.

Maging ang DENR Biodiversity Management Bureau.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng 45th Founding Anniversary ng Career Service Board.

Nilibot sa paglilinis ng mga volunteers ang isang-daat pitumput limang ektaryang wetland park.

Bit-bit ang kanilang mga pantusok, kalay-kay at iba pang mga panlinis.

Ang nasabing lugar ay isa sa apat na wetland park sa bansa na idiniklara bilang critical habitat.

Ito ay sa pamamagitan ng Presidential Decree 1412, at nag-iisa lamang ito sa Metro Manila.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *