Manila North Cemetery

Manila North Cemetery, naglabas ng mga panuntunan para sa panahon ng undas

National News

NAGLABAS ng mga panuntunan ang pamunuan ng Manila North Cemetery.

Para sa publiko na magtutungo ngayong undas para linisin ang mga puntod ng kanilang mga kaanak.

Ayon sa pamunuan ng Manila North Cemetery, papayagan lamang na makapasok ang mga maglilinis at magpipintura hanggang Oktubre 29.

Ipinagbabawal din ang pagsusunog ng mga nakolektang basura at sa halip ay naglagay ang pamunuan ng mga basurahan.

Habang hanggang Oktubre 29 na lamang ang paglilibing.

Simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2 ay bawal nang pumasok ang mga sasakyan sa loob ng sementeryo.

Sa Nobyembre 1 ay bubuksan ang Gate 2 at 3 ng sementeryo sa A.Bonifacio Avenue.

Magsimula ito sa 10:00 ng umaga para sa mga taong papalabas ng sementeryo.

Bawal din magdala ng mga matutulis na bagay gaya ng patalim at armas, flammable materials.

Gaya ng lighter, thinner, alcohol, at gas, mga alagang hayop, sound system, alak at mga gamit sa pagsusugal.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *