political dynasty

Matalinong pagboto, susi pa rin laban sa masamang epekto ng political dynasty

National News

ANG political dynasty o dinastiyang politikal ay isang pamilya ng mga politiko na namamahala sa isang lugar.

Ito ay naipapasa sa kanilang kapamilya o kamag-anak ang katungkulang ginagampanan sa pamahalaan.

Maaari rin itong sabay-sabay na pamumuno ng magkakamag-anak na politiko sa ibat ibang posisyon sa gobyerno.

Ayon kay University of the Philippines Professor Jean Franco, isang political analyst, naging parte na ng kasaysayang politikal sa Pilipinas ang political dynasty.

Anya, iilan lang naman ang magandang epekto ng political dynasty sa bansa.

Gaya ng maipagpapatuloy ng isang politiko ang kanyang nasimulang programa.

Pero ayon sa propesora mas marami pa rin ang masamang epekto nito.

Inihayag nito ang tatlo sa malaking masamang epekto na nakikita niya sa political dynasty.

Una, masikip na ang pagpasok sa politika.

Dahil kilala na ang mga tumatakbo minsan ay hindi na sila nilalabanan.

Ang indikasyon nito? Humihina na ang demokasya.

Pangalawa, nawawala na ang accountability.

Aniya ay hindi na umiiral ang check and balance sa mga nasa katungkulan dahil magkakamag-anak nalang ang nasa pwesto.

At pangatlo, hindi na gaanong nagpe-perform ang politikong nailuklok.

Dahil nga alam nilang mananalo naman sila kada halalan malaki ang posibilidad na hindi na sila magtatrabaho ng matino.

Nananatiling mabisang sandata pa rin kontra sa masamang epekto ng political dynasty ang matalinong pagpili ng mga botante sa mga kandidato na tatakbo sa darating na halalan.

Binigyang diin ito ni Prof. Franco.

Dapat aniyang maging mapanuri ang mga botante at huwag magpa-uto sa mga panunuyo at pangako ng mga kandidato.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *