pagpapatupad

Pagpapatupad ng SRP sa bigas, ipinagpaliban

National News

IPINAGPALIBAN ngayong araw ang pagpapatupad ng Suggested Retail Price o SRP sa bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, inilipat sa Oktubre 27, araw ng sabado ang pagpapatupad ng SRP.

Kasunod ito ng hiling ng mga stakeholder na bigyan sila ng tatlong araw para makapaghanda.

Sakop ng pagtatakda ng SRP sa bigas ang Metro Manila.

Samantala, pag-uusapan pa ng mga stakeholder at supermarket sa ibang rehiyon sa susunod na linggo ang naturang SRP.

Simula rin sa Sabado, hindi na gagamitin ang ilang pangalan ng bigas na ibinebenta sa merkado.

Katulad nito ang “Sinandomeng,” “Super Angelica,” at “Yummy.”

Tatawagin na lamang ito na regular-milled, well-milled, premium at special rice.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *