huwag magpaka-kampante

De Lima, pinayuhan si Trillanes na huwag magpaka-kampante

National News

HINIMOK ni Sen. Leila de Lima si Sen. Antonio Trillanes IV na huwag magpaka-kampante.

Sa kabila na ibinasura ng Makati Regional Trial Court (RTC) ang hirit ng Department of Justice.

Hiniling ng DoJ na maglabas ang korte ng Warrant of Arrest at Hold Departure Order laban sa Senador.

Naniniwala si De Lima na gagawin lahat ng Administrasyong Duterte para maipakulong si Trillanes.

Lalo na’t sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na na-delay lang ang pagpapakulong kay Trillanes.

Aniya, doon din patungo ang proseso kung susundin ang batas.

Sa kabila nito, umaasa si De Lima na patas ang magiging desisyon ng korte.

Alinsunod sa batas at hindi matitinag sa pressure ng administrasyon.

Ayon naman kay dating Justice Secretary at ngayo’y Senate Minority leader Franklin Drilon, malabo nang mabaliktad ang desisyon sa kaso ni Trillanes.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *