Xiamen Airlines

Xiamen airlines, nagbigay na ng inisyal na kabayaran

National News

NAKABAYAD na ang Xiamen Airlines ng inisyal na P16M para sa aksidenteng kinasangkutan ng kanilang eroplano.

Naganap ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Agosto.

Sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na naibigay ang bayad ngayong buwan.

Ang inisyal na bayad ay para sa ginastos sa pag-alis sa sumadsad na Xiamen Air Flight MF 6887 sa runway 6/24 ng NAIA.

May kulang pa ang airline company ng P16M para sa karagdagang multa sa nangyaring aberya.

Nagresulta ito ng mga kanselasyon at pagkaantala ng flights at stranded ng libo-libong pasahero.

Ibinigay na rin aniya nila sa Xiamen ang mga dokumento na magpapatunay ng mga ginastos sa aberya.

Habang patuloy naman aniya nilang pinag-uusapan ang usapin kung babayaran din ang mga abalang naidulot ng aberya sa maraming flights sa paliparan.

DWSI 864

SMNI News

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *