Jimmy Guban

Customs Jimmy Guban, inamin na sadyang pinalusot ang mga magnetic lifters

National News

INAMIN ni Customs Agent Jimmy Guban na sadyang pinalusot ang apat na magnetic lifters na narekober sa GMA, Cavite.

Sinabi ni Guban na pinagplanuhan ang pagpapalusot sa mga magnetic lifters.

Iginiit ni Guban, simula pa lamang ay plano na nilang palusutin at hindi ireport sa Bureau of Customs ang mga kargamento.

Ayon kay Guban, isang nagngangalang PSupt. Eduardo Acierto ang nagbibigay sa kaniya ng direktiba.

Kung paano palulusutin at bubuksan ang magnetic lifters sa Manila International Container Port na naglalaman ng iligal na droga.

Itinanggi naman ni Guban na may alam siya sa laman ng mga magnetic lifters.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Senado si Guban matapos isailalim sa 90-days suspension order.

Habang nahaharap sa patong-patong na kasong administratibo at kriminal.

Pinaaaresto naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si Guban.

Iniutos ni Pangulong Duterte ang agad na pag-aresto kay Guban dahil sa kanyang naturang pahayag sa pagdinig sa Kamara.

Sinabi ni Duterte na inatasan niya si PNP Chief Oscar Albayalde na dalhin si Guban sa National Bureau of Investigation.

Dahil idinawit nito ang PNP sa imbestigasyon.

Si Guban ay kasama sa narco-list na inilabas ni Pangulong Duterte noong Oktubre 9.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *