binuksan

Boracay pormal ng binuksan sa publiko ngayong araw

National News

PORMAL nang binuksan sa publiko ang Boracay matapos isailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.

Dumalo sa aktibidad sina Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, Environment Secretary Roy Cimatu.

Naroon din sina DILG Officer-in-Charge Eduardo Año, PNP Chief Director General Oscar Albayalde at iba pang opisyal ng gobyerno.

Ipinakita rin sa publiko ang bagong icon ng Boracay.

Magsisilbi itong selfie wall o photo wall para sa mga turistang darating sa isla.

Nagpasiklab din ang mga miyembro ng Ati tribe bilang bahagi ng aktibidad.

Hinikayat naman ni Puyat ang lahat na maging responsable upang mapangalagaan ang bagong Boracay.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *