dating AFP Chief

Dating AFP Chief Guerrero pinaburan ng PDEA

National News

IKINATUWA ni PDEA Director General Aaron Aquino ang pagkakatalaga ni dating AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero.

Bilang bagong pinuno ng Bureau of Customs matapos palitan si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Ayon kay Aquino, hindi na bago sa kanila si Guerrero.

Dahil sa maganda relasyon ng PDEA at Maritime Industry Authority (Marina) na dati nitong pinamunuan.

Naniniwala ang PDEA chief na magkakaroon sila ng maayos na relasyon at pakikipagtulungan sa BOC.

Sinabi ni Aquino na sa ilalim ni Guerrero, ang Marina ay lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa PDEA.

Kung saan pinapayagan ang anti-drug agents na magsagawa ng inspeksyon sa mga barko, mga pribado at pampublikong pantalan.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *