isolated

Bayan ng Dinapigue, Isabela, isolated dahil sa Bagyong Rosita

Regional

ISOLATED ngayon ang Dinapigue, Isabela kung saan nag-landfall ang Bagyong Rosita kaninang madaling araw.

Ayon kay Dinapigue Mayor Reynaldo Derije, maraming istraktura ang nawasak at putol din ang linya ng komunikasyon sa kanilang probinsya.

Marami rin aniyang barangay sa Dinapigue ang lubog sa baha.

Wala naman naiulat na nasawi pero matindi ang iniwang pinsala ng bagyo.

Humihingi rin ng tulong ang alkalde para sa 372 pamilya o 1,140 indibidwal na kanilang inilikas.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *