lokal na opisyal

DILG, nagpaalala sa mga lokal na opisyal sa responsibilidad

National News

PINAALALAHANAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na opisyal na magmi-“missing in action.”

Ito ay sa posibleng paghagupit ng Bagyong Rosita.

Pinayuhan ni DILG Officer in Charge Eduardo Año ang mga local government officials na manatili sa kanilang mga posisyon.

Manatili ang mga ito bago at hanggang matapos ang pananalasa ng bagyo.

Bilang lider, inaasahan ni Año ang pamumuno ng mga ito sa paghahanda at pagbibigay aksyon sa posibleng epekto ng bagyo sa mga residente at lugar.

Samantala, sa ngayon ay sumasailalim pa rin sa imbestigasyon ang labing anim na alkalde.

Ang mga ito ay unang naiulat na wala sa kanilang lugar sa panahon ng pananalasa ng Bagyong Ompong noong Setyembre.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *