Jimmy

Jimmy Guban, ituturn-over na sa DOJ para isailalim sa WPP

National News

NATAKDA ng iturn-over ng Senado sa Department of Justice o DOJ si Customs Intelligence Officer Jimmy Guban.

Si Guban ang siyang pangunahing testigo sa P11B na halaga ng droga na sinasabing isinilid sa apat na magnetic lifters.

Ang mga naturang magnetic lifters ay natagpuan sa GMA, Cavite.

Nasa balag ngayon ng alanganin ang buhay ni Guban dahil sa pagtestigo nito sa mga naipuslit na droga.

Ayon ito kay Senate Blue Ribbon Chairman Senator Richard Gordon.

Ani Gordon, full coverage ng Witness Protection Program o WPP ang igagawad kay Guban.

Batay na rin ito sa kanyang rekomendasyon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Matatandaan na nasa kustudiya ng Senado si Guban.

Matapos itong ma-cite in contempt dahil sa in-cooperation nito sa mga nagdaang senate hearing.

Samantala, i-aaplay din ni Gordon sa WPP si NAIA Deputy Collector for Passenger Service Atty. Lourdes Mangaoang.

Si Mangaoang ay isa rin sa tumestigo sa drug shipment.

Nauna namang sinabi ni Mangaoang na nag-apply na ito ng WPP sa Presidential Anti-Corruption Commission o PACC.

Sa Nobyembre 22 ang susunod na senate hearing sa isyu.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *