Klay Thompson

Klay Thompson, nalamangan si Stephen Curry sa 3-pointer shot

National News

NILAMANGAN ng Warriors player na si Klay Thompson ang kaniyang teammate na si Stephen Curry.

Ito’y sa NBA record na 3-pointer shot.

Pagkaraang nagpakawala ng magilas na 14 3-pointer si Thompson sa naging tapatan ng Golden State Warrios at Chicago Bulls nitong Martes.

May kabuuan namang 52 points na nai-ambag si Thompson sa naging winning score nila na 149-124 kontra sa bulls.

Matatandaang unang nakapagtala ng mataas na record ang NBA star na si Stephen Curry.

Nakaraang November, 2016 na may 13 3-pointer shots sa isang game.

Samantala, makokonsidera ding 2nd highest point total score para sa isang half game sa NBA history ang pagtatala ng Golden State Warriors ng 92 points.

Sa naging tapatan nila ng Bulls na mayroon namang 50 points.

Nanatili namang una sa record ang Phoenix Suns na nakapagpuntos ng 107 points sa first half.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *