residente

Mga residente sa probinsiya ng Cagayan, lumikas

Provincial News

UMAABOT na sa 372 na pamilya o 1,244 na indibidwal mula sa anim na munisipalidad ang nailikas sa mga evacuation centers sa lalawigan ng Cagayan dahil sa Bagyong Rosita. (residente)

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang pre-emptive evacuation sa mga residente sa low-lying areas sa lalawigan.

Nakahanda na rin ang lalawigan ng Cagayan sa posibleng pagbaha dulot ng ulan na dala ng bagyo.

Kasunod ito ng pagbubukas ng isang spilling gate ng Magat Dam sa Isabela.

Kung saan malaking porsyento ng pinakawalang tubig ay magpapataas sa water elevation ng Cagayan River sa Tuguegarao City at karatig bayan.

Inatasan na ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano ang City Disaster Risk Reduction Management Office.

Para sa pre-positioning ng mga rescue personnel at equipments tulad ng Bangka.

Siniguro rin ng Office of Civil Defense ang kahandaan ng mga rescue groups.

Sa hanay ng kapulisan at kasundaluhan ng lalawigan sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa.

DWSI 864

SMNI News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *